Quantcast
Channel: Uncategorized – Pinoy Weekly
Viewing all 37 articles
Browse latest View live

Larawan | Mga lider-estudyante sa Maynila nagkaisa kontra pork barrel

$
0
0

Nagkaisa ang mga lider-estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa kahabaan ng Taft Ave. at Intramuros sa Maynila sa panawagang dapat  i-abolish ang pork barrel. Binuo ng mga estudyante ng University of the Philippines Manila, Philippine Women’s University, Mapua Institute, Lyceum of the Philippines, Letran College, at De La Salle University ang YOUTH ACT NOW Taft-Intramuros noong Oktubre 7.

youth act now taft2

youth act now taft1


Biyahe ni Gat Andres Bonifacio, biyahe sa kalayaan

$
0
0
Ang rebulto ng magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio sa Maragondon Cavite. (Boy Bagwis)

Ang rebulto ng magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio sa Maragondon Cavite. (Boy Bagwis)

Nalalapit na ang pagdiriwang sa ika-150 kaarawan ng dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio, isang rebolusyonaryong lumaban sa kolonyalistang Espanya sa pamamagitan ng armadong paghihimagsik.

Manining ang buhay at pakikibaka ni Andres Bonifacio. Ipinanganak siya sa Recto (dating Azcarraga), Tondo, Manila ng mag-asawang Santiago Bonifacio (sastre o mananahi) at Catalina de Castro (magrorolyo ng tabako). Panganay sa limang magkakapatid (Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadia at Maxima) si Gat Andres. Napilitang huminto siya sa pag-aaral nang nasa ikatlong taon sa hasykul, ayon kay Pio Valenzuela na kasama niya sa pagtatatag ng Katipunan, dahil magkasunod na namatay ang kanilang mga magulang noong 1881. Dahil sa maagang pagkaulila, tulung-tulong silang magkakapatid sa paggawa ng mga baston na may dibuho at inilalako sa Intramuros at mga karatig-pook.

Sa tala ng mga historyador, bagamat hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral si Andres, nagsikap siyang mag-aral. Patunay dito ang natuklasang lihim na aklatan niya sa bodega ng Fressel & Company, kompanyang kanyang pinasukan bilang bodegero. Kasama sa mga aklat ang sulatin nina Judio Errante, gayundin ang Ruinas de Palmira, Bibliya, Vida de los Presidentes de los Estados Unidos, Derecho Internacional, Codigo Civil, at Codigo Penal. Binasa niya pati ang Les Miserables ni Victor Hugo. At siyempre, ang dalawang nobela ni Jose Rizal aang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Kaanib din si Andres sa Samahang Dramatista at kasama sa pagtatayo ng Teatro Porvenir o Teatro ng kinabukasan. Gumanap siyang aktor sa mga dulang moro-moro kasama ang iba pang rebolusyonaryo tulad nina Macario Sakay at Guillermo Masangkay. Sa pagganap niya sa iba’t ibang katauhan sa entablado, nahasa ang husay ni Andres sa pananalita.

Isa rin si Andres na mapagmahal na asawa, ayon sa mga historyador. Hindi niya iniwan ang una niyang asawa na si Monica na namatay dahil sa ketong. Samantalang ang pangalawa niyang asawa na si Gregoria de Jesus (Oryang at Lakambini) ang naging katuwang at kasama sa pakikibaka.

Rebolusyonaryong manggagawa

Sa kasalukuyan, may mga bagong historyador na nagsasabing di raw nagmula sa uring manggagawa si Andres. Mataas daw ang kinikita niya (12 piso hanggang hanggang 20) sa karaniwang manggagawa noon.

Hindi mapapasubalian na galing sa uring manggagawa si Andres.

Unang nagtrabaho sa Fleming & Company bilang utusan si Andres at kalaunan naging clerk, mensahero at ahente ng mga produkto tulad alkitran, yantok at iba pa. Kalaunan, lumipat siya sa Fressel & Co. at naging bodegero (warehouse keeper). Maliban dito, tuloy pa rin ang kanyang paglalako ng baston para matustusan ang pangangailangan nilang magkakapatid, dahil kapus ang kita niya bilang bodegero. Gayundin, gumawa siya ng mga pantatak sa mga damit at karatulang palatastas para sa mga kompanyang komersiyal dahil mahusay siya sa calligraphy at penmanship.

Kasama si Andres sa nagtatag ng Kataastasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan) noong Hulyo 7, 1892. Kasama niya sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Ildefonso Laurel at Deodato Arrelana.

Hindi si Andres ang unang Supremo ng Katipunan (Deodato Arellano ang una at ikalawa si Roman Basa). Pero sa panahon na naging Supremo si Andres noong 1895, bumilis ang pagrekluta at lumawak ang kasapian ng Katipunan sa buong bansa. Kasama ni Andres si Emilio Jacinto na sumulat sa Kartilya ng Katipunan.

Mahusay na pinamunuan ni Andres Bonifacio ang rebolusyon ng Katipunan. Pero naputol ito nang akusahan siyang taksil matapos ang Tejeros Convention. Sa eleksiyon, natalo si Bonifacio ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo, ngunit nahalal naman si Andres bilang direktor ng interyor. Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Andres at hiniya pa sa kumbensiyon na walang pinag-aralan, dapat daw na isang abogado ang tumangan sa nasabing puwesto.

Sa tala ng ilang historyador, may naganap na pandaraya sa naganap na eleksiyon kaya nanalo si Aguinaldo kahit ito’y wala sa kapulungan. Dahil sa kaguluhan sa kumbensiyon, ipinawalng bisa ni Andres Bonifacio ang eleksiyon at umalis sa bulwagan.

Ilang araw matapos ang kaguluhan sa Tejeros Convention, ayon sa mga historyador kinubkob ng mga tauhan ni Aguinaldo sina Andres Bonifacio sa Limbon, Indang, Cavite, habang nagpapahinga at naghihintay ng suplay para makabalik sa Montalban, Rizal. Dito nahuli si Andres at kapatid niyang si Procopio na pawang sugatan matapos silang pagtatagain at barilin, agad din na napatay ang isa niyang kapatid na si Ciriaco.

Nilitis at pinarusahan ng kamatayan sina Andres at Procopio. Sa bundok ng Magpatong/Buntis, isinagawa ang hatol na kamatayan sa magkapatid. Unang pinatay si Procopio at isinunod si Andres na matapos mapatay, pinagputol-putol ang katawan at inilibing ng mababaw sa tabi ng isang ilog.

May pagdiriwang nga ba?

Sa ika-30 ng Nobyembre ang dakilang kapanganakan ni Andres Bonifacio. Pero tulad ng nakasaad sa kasaysayan, lubhang minamaliit ang kontribusyon niya sa paglaban sa mga mananakop at sa kalayaan ng bayan. Hindi tulad ng ibang bayani na bongga ang selebrasyon, walang maririnig o makikitang paghahanda sa araw na ito.

Karamihan sa mga marker o monumento ni Andres Bonifacio ang napapabayaan na, gayundin ang mga mensahe sa mga marker na nagsasabing taksil siya sa bayan. Maliban dito, may mga bagong pananaliksik na kumukuwestiyon sa pagkatao niya. Sinasabi sa bagong saliksik na hindi itak kundi rebolber ang paboritong sandata ng Supremo. Pero hindi naman nila sinasabi na anumang sandata ang ginamit niya, ang mahalaga, na tanging armadong paglaban ang magpapalaya sa bayan na kanyang pinasimulan hindi sa reporma.

Kahit sa kasuutan, hindi daw camiso de chino ang paborito niya kundi Amerikana. Sa panahong iyon, namamayagpag ang mga Espanyol at imposibleng Amerikana ang usong kasuotan noon. Pero ayon sa mga historyador ang tanging larawan na natira ni Andres Bonifacio, ang larawan nila ng kanyang asawang si Oryang noong sila’y ikasal, na isang pormal na pagtitipon. Karamihan daw sa kanyang personal na gamit ang sinira o sinunog ng mga galit sa kanya. Hindi ba’t sa lumang dalawang pisong papel lang inilagay ang larawan ni Andres Bonifacio na nawala na sa sirkulasyon?

Ilan lamang ito sa mga paglabusaw sa imahe ni Andres Bonifacio, marahil dahil sa kanyang paninidigang kailangang palayain ang bayan mula sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

(Mga larawan kuha ni Boy Bagwis at Macky Macaspac)

Ang makasaysayang bayan ng Imus, Cavite.

Ang makasaysayang bayan ng Imus, Cavite.

 

Ang larawan ng bahay na pinagdausan ng Tejeros Convention at ang aktuwal na lugar na dating kinatatayuan nito.

Ang larawan ng bahay na pinagdausan ng Tejeros Convention at ang aktuwal na lugar na dating kinatatayuan nito.

 

Ang lugar sa Limbon, Cavite, kung saan kinubkob ng mga tauhan ni Aguinaldo ang grupo ni Bonifacio.

Ang lugar sa Limbon, Cavite, kung saan kinubkob ng mga tauhan ni Aguinaldo ang grupo ni Bonifacio.

 

Sa bahay na ito sa Maragondon, hinatulan ng kamatayan ang Supremo ng Katipunan

Sa bahay na ito sa Maragondon, hinatulan ng kamatayan ang Supremo ng Katipunan

 

Ang dambana ni Andres Bonifacio sa bundok Nagpatong/Buntis sa Maragondon, Cavite

Ang dambana ni Andres Bonifacio sa bundok Nagpatong/Buntis sa Maragondon, Cavite

Para sa mga nais bumisita at aralin ang buhay at pakikibaka ni Andres Bonifacio, maaring makipag-ugnayan sa Bonifacio 150 Committee 

 

Sidebar | Aleco and power service in Albay

$
0
0

From the Backgrounder provided by Aleco Multisectoral Stakeholders Organization (Jan. 4, 2013)

 

Background:

Albay has had electricity since the turn of the 20th Century. Evidence of this are photographs taken during the early days of the American Period.

1950s – 1975: LEALDA (Legazpi Albay Daraga) Electric Company served Legazpi Port District, Albay District, and Daraga; it was owned by the Benito family; electricity was expensive for the ordinary household could afford only a fluorescent lamp; after a typhoon it took months before service was totally restored

1972 – Albay Electric Cooperative was established in the Third District

1975 – President Marcos visited Albay; the people shouted, “We want electricity!” LEALDA was abolished; ALECO was established as the sole provider in the entire province

1972 – 94: ALECO was well-managed and had no serious problem

1994: Influential entities and persons started to interfere in ALECO affairs; ALECO’s woes began; corruption became rampant

2000s: ALECO problems worsened; debts mounted; Legazpi Diocese was asked to get engaged; NEA and NPC alternately managed ALECO; corruption and crisis continued to hound ALECO

July 17, 2008: Operation and Management Contract with NPC was approved by ALECO Board of Directors; losses for 2008 declined to P261 M from P401 M in 2007

July 2009: the OM Contract was renewed by the DOE*; ALECO posted a positive P153 M net income

November 13, 2009: the DOE, NEA and the Office of the Solicitor-General endorsed to NPC the re-extension of the contract through Resolution No. 65; NPC, in turn, approved the re-extension for two years through Resolution 2009-68

February 22, 2010: OM Contract was suddenly terminated by ALECO BOD, citing that it had expired and NPC assets had passed to PSALM

April 23, 2010: Bishop Joel Z. Baylon issued Pastoral Letter against privatization

July 28, 2010: public forum on ALECO crisis organized by Social Action Center, ALECO, and other stakeholders; inspired by the Bishop’s Pastoral Letter, civil society groups led by SAC organized the Multi-Sectoral Stakeholders Committee which later evolved into the Multi-Sectoral Stakeholders Coalition and ALECO Multi-Sectoral Stakeholders Organization (AMSSO); on January 23, 2013 AMSSO was registered with SEC on the advice of Bishop Baylon

September 2010: MSSC convened a General Assembly of member-consumers; resolution calling for resignation of OIC Realoza and BOD was passed, among others

October 2010: Crisis Committee was formed by political leaders; Bishop Baylon was invited to be Chairman

October 2010 to January 2011: campaign to oust ALECO Management Team and BOD intensified; march and picket staged by MSSC

February 2011:  Realoza and BOD resigned; NEA sent its Management Team under PS Paulino Lopez

March 2011: MSSC proposed restoration of OM Contract with NPC; DOE declined

May 14, 2011: NEA proposed the Special Payment Arrangement; Special General Membership Assembly approved

June 2011: NEA added 3 conditions to SPA (voluntary payment, P7M monthly prudential guarantee, default provision)

October 2011: NEA Management Team cited inability to solve ALECO problems; MSSC accidentally met Prof. Rowaldo del Mundo and Prof. Editha Espos of UP-NEC and Engr. Gerardo Versoza, GM of BENECO; Cooperative-to-Cooperative Partnership was designed

November 2011: Crisis Committee, NEA and DOE proposed Private Sector Participation and formation of Interim Board

November 30, 2011 – in a Special General Membership Assembly NEA and Crisis Committee allowed PSP to be presented; when it was the turn of MSSC to present C2C, the Crisis Committee requested the emcee to let Congressmen Fernando Gonzalez and Edcel Lagman talk in favor of PSP; after their speeches, C2C was brushed aside and a vote on PSP and formation of an Interim Board was rushed; the assembly rejected PSP and Interim Board by a vote of 315 vs 155

December 10, 2011 - the MSSC met with Bishop Baylon; public presentation of C2C was agreed upon

December 22, 2011 – public presentation of C2C was held in De Guzman Hall of Aquinas University; present were Bishop Baylon, Prof. Wally del Mundo of UP-NEC, Engr. Gerry Versoza and Engr. Lito Villarey of BENECO

March 24, 2012 – a Special General Membership Assembly approved the conversion of the Crisis Committee into the Interim Board of Directors (IBOD); the participants were separated among Tabaco, Legazpi and Ligao; in Legazpi the IBOD was given the mandate to look for “solutions” to ALECO’s problems; in Ligao and Tabaco, only the conversion of the Crisis Committee into an Interim Board was approved; IBOD began to claim it is authorized to implement PSP

December 2012 to January 2013: with no private company coming forward to propose, the IBOD agreed to implement Cooperative-to-Cooperative Partnership; DBP offered to lend P 1 billion at 8% interest; PEMC counter-offered with 2.5%; the IBOD turned down DBP; when the IBOD tried to formalize an agreement with PEMC, the latter backed out; the IBOD returned to DBP but the bank refused

February 1, 2013: in a meeting, PS Veronica Briones announced that if the IBOD would choose C2C, NEA would leave ALECO because the agency wants PSP; the IBOD voted unanimously to adopt PSP (evidence: minutes of the IBOD meeting)

April 4, 2013:  in a press conference, the IBOD announced its decision to adopt PSP

May 2013: the AMSSO, formerly the MSSC, filed a petition for TRO against the implementation of PSP; it was granted; the AMSSO filed a Motion for Prohibition to Bid; decision on the case was so delayed it was overtaken by events

July 16, 2013: AMSSO, IBOD and other parties held a meeting with DOE Sec. Jericho Petilla; a referendum was agreed upon to settle which between C2C and PSP to adopt; referendum is not a mechanism for decision-making under the ALECO By-Laws

August 7, 2013 – the IBOD and NEA scheduled a Submission and Opening of Bids; only one bidder submitted, San Miguel Energy Corporation; the bid of San Miguel did not comply with the Terms of Reference which the pro-PSP themselves drafted. There was failure of bidding because only one presented a bid and that lone bidder has conflict of interest with ALECO since SMEC is a sister company of the Bank of Commerce which is a depository of the electric cooperative

August 15, 2013: Sec Petilla visited Albay ; a roadshow of the two option was scheduled from September 2 to 7, 2013during the roadshow for the referendum, the content of the contract with the lone bidder, San Miguel Global Power Holdings, was never revealed to the member-consumers; on Day One of the roadshow for the referendum PSP had scanty details. As the activity progressed, PSP was increasingly copied from the Cooperative-to-Cooperative Partnership plan until on the last day, the former option looked almost like C2C, with BENECO removed and put in its place was San Miguel Corporation. The irremovable fact is that BENECO would give all earnings to ALECO while SMC would have to get its cut. Furthermore, under PSP copied from C2C, San Miguel has all the power to declare just what it wants as ALECO earnings even zero or negative

September 14, 2013: only 4.8% of the member-consumers turned out to vote on while the legal requirement for any corporation is 5%; there was massive vote-buying amounting to P20, P50 and P150 perpetrated by pro-PSP politicians especially among the members of barangay power associations (BAPA). Pro-PSP voters were hauled. Voting centers were relocated to necessitate travel by member-consumers. ALECO funds, barangay vehicles and other government resources were used in favor of PSP; a Redemptory’s priest, among others, saw and testifies to these evil acts; NEA obliges any complainant to pay P750,000 as a fee and the pro-C2C do not have such money.

September 23, 2013: ALECO Employees Organization (ALEO) pushed through with the long-suspended strike

October 29, 2013: the IBOD, NEA, DOE, politicians and San Miguel proceeded to sign a contract in Makati without submitting the same for prior ratification by the General Assembly, claiming that the referendum result sufficed; the contract has the blessing of the Bishop of Legazpi even though it is a fruit of dishonesty

November 28, 2013: The ERC held a public hearing on the petition of ALECO Management for a rate increase effective January 2014. Thus, we have another evidence of deception. As we heard during the presentation, the plan to apply for the increase was in place as of June 2013. Yet, the PSP presenters had the gall to tell the public that there would be no rate increase! The member-consumers were not effectively informed about the “public hearing” as only 7 were able to attend.

December 21, 2013: About 100 member-consumers rushed into the compound of ALECO, conducted a General Assembly and elected a new Interim Board of Directors

December 23, 2013: ALECO old management closed ALECO and prevented member-consumers from paying their bills. Payment resumed on the 24th.

December 26, 2013: AMSSO padlocked the gate. Security guards attempted to remove the chain but were driven off by member-consumers.

December 28, 2013: The new IBOD and PS Veronic Briones agreed to prevent San Miguel personnel from entering the ALECO compound and to provide AMSSO with a copy of the Concession Agreement. AMSSO will allow opening of the gate. PS Briones admitted that the agreement is different from the claims made during the roadshow prior to the referendum. The agreement was never honored by the old management.

January  6, 2014: member-consumers stormed the compound of ALECO a second time. They demanded that San Miguel personnel be prevented from entering the premises of the cooperative and a copy of the Concession Agreement be provided to member-consumers.

DOCUMENTARY | Holiday Bust

$
0
0

holiday bust frame grab

 

A documentary on how one of the world’s top supplier of microchips used by popular brands such as Apple, Samsung, Bosch, Huawei, etc. treats its workers in the Philippines. Twenty-four union officials of NXP Semiconductors Cabuyao Inc. were illegally terminated in an attempt to destroy the country’s largest and oldest surviving worker’s union.

 

Produced by PinoyMedia Center in cooperation with Mayday Multimedia
Direction, cinematography & editing by King Catoy & Ilang-Ilang Quijano
Production management by Jun Ressureccion

#HLMX LIVE COVERAGE | Sampung taong inhustisya sa #HaciendaLuisita

$
0
0
Kampanyang bungkalan sa Hacienda Luisita noong 2010, matapos ang desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa pamamahagi ng mga lupain ng asyenda sa mga magsasaka. <strong>KR Guda/PW File Photo</strong>

Kampanyang bungkalan sa Hacienda Luisita noong 2010, matapos ang desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa pamamahagi ng mga lupain ng asyenda sa mga magsasaka. KR Guda/PW File Photo

Ngayong Nobyembre 16, 2014, sampung taon na mula nang mangyari ang masaker sa Hacienda Luisita. Marami na ang nangyari mula noon. Umigting ang panunupil, nagpatuloy ang pamamaslang. Nagtagumpay ang mga magsasaka sa legal na laban sa Korte Suprema. Pero hindi ito maayos na ipinatupad ng gobyerno, at lalong di sinusunod ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

HLM-XKinakaharap ngayon ng mga magsasaka sa 6,435 ektaryang asyenda ang patuloy na pang-aagaw ng pamilya ni Pangulong Aquino sa mga lupaing pinagtatamnan at pinayayaman na ng mga magsasaka. Pero di rin napatid ang paglaban ng mga magsasaka. Sa ika-sampung taon, ipinapamalas nila ang pagkakaisa at pagpapatuloy ng paggiit sa karapatan. Pakinggan natin sila.

Ito ang espesyal na coverage ng Pinoy Weekly Online sa dalawang-araw na paggunita at pagprotesta ng mga residente at magsasaka ng Hacienda Luisita, kasama ang mga tagasuporta nila, sa sampung taon ng pakikibaka. Sundan ang aming updates sa social media: Twitter at Facebook, at sa pahinang ito.


LIVE COVERAGE | Salubong sa ManiLakbayan ng Mindanao

$
0
0
Kuha ni Ilang-Ilang Quijano

Kuha ni Ilang-Ilang Quijano

10:15 ng umaga
24 Nobyembre 2014

LIVE COVERAGE ng Pinoy Weekly sa pagsalubong ng iba’t ibang sektor sa mahigit 300 katutubo at mamamayan na kalahok sa ManiLakbayan ng Mindanao sa Recto Avenue, Manila.

Naglakbay sila mula iba’t ibang bahagi ng Mindanao, dumaan ng Eastern Visayas, Bicol, Southern Tagalog at nakarating na ngayon sa Kamaynilaan. Layunin ng paglakbay nila ang mabigyan ng atensiyon sa publiko ang malawakang militarisasyon na bumibiktima sa mga mamamayan ng Mindanao, gayundin ang pananakop sa kanilang mga lupain ng malalaking kompanya ng mina, agro-corporations at iba pa. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, dumarami ang bilang ng mga lider-katutubo, environmentalist, aktibista at lumalabang mga mamamayan na napapaslang, nadudukot at hinaharas sa iba’t ibang probinsiya ng Mindanao.

Samantala, lumalakas din ang pagtutol ng iba’t ibang komunidad at sektor dito sa tinaguriang development aggression na pinoprotektahan ng halos 60 porsiyento ng tropa ng militar sa bansa.

Pagpalya ng VCMs, nanguna sa problema ng AES – Kontra Daya

$
0
0

photo 1

Pagpalya ng mga vote counting machine (VCM) ang nangunguna sa problema sa eleksiyon sa buong bansa base sa pagmonitor ng grupong Kontra Daya ngayong umaga.

Sa tala ng Kontra Daya, nasa 59 ang pumalyang VCMs, 11 delayed voting, 10 non-printing precinct, 8 rejected ballot, 8 inconsistent vote receipt, 7 kaso ng harassment at militarisasyon, at 5 vote buying.

Kabilang sa mga naiulat na problema ang hindi paggana ng mismong makina, pag-reject sa mga balota, paper jams o pagkaipit ng balota, overheating, at machine breakdown.

Naitala sa mga presinto sa Quezon City, Manila, Navotas, Makati, Marikina, Muntinlupa, at Caloocan.

Naiulat halimabawa ang cluster precinct (CP) 1549 sa Beata Elementary School, Manila na nag-shut-down dahil sa pag-malfunction ng VCM. Sa Araullo High School naman, may mga ulat din gaya ng failed diagnostic tests, jammed ballots, at thermal receipts. Wala umanong diagnostic process ang naganap sa CP 1149.

Sa labas naman ng Metro Manila, pumasok din ang ulat na pagkasira ng VCMs sa Batangas, Tacloban, Occidental Mindoro, Naga, Cavite, Davao Oriental, at La Union.

Nagdulot naman ng disenfranchisement sa mga rehistradong botante ang pagkasira ng mga VCM at delay sa pagpapalit ng mga ito. Sa ibang lugar, naitalang nahinto ang pagboto sa loob ng dalawa hanggang limang oras.

Sa inisyal na report nitong umaga, mismong ang VCM sa presinto ni vice-presidential candidate Leni Robredo ang nagkaaberya at inabot ng halos dalawang oras bago mapalitan.

May mga cluster precinct naman sa Paranaque, Makati, at Bulacan ang nakaranas din ng pagkaantala sa pagboto dahil sa hindi tinatanggap ng makina ang mga balota.

“Yung direct effect nito yung disenfranchisement (ng mga botante). Yung mga hindi nakaboto, habang hindi umaandar ang vote counting machine, might not be able to vote this afternoon. Binubuksan din nito ang vulnerability paggamit ng untested machines dahil nagmamadali na ang mga BEI, ng watchers, at iba pa,” ayon kay Dr. Giovanni Tapang, convenor ng Kontra Daya.

photo 2

Labas pa umano ito sa epekto kung magiging maayos ba ang pagbabasa ng makina at kung magiging maayos ang transmission pagkatapos ng eleksiyon.

Nakatanggap din ng ulat ang Kontra Daya ng mga insidente ng black propaganda laban sa mga progresibong party-list, vote buying, panghaharas, at karahasan. Isa na umano ang napaulat na napatay sa Abra nitong umaga.

Sa Barangay Bagua, Cotabato City, nakatanggap ang Kontra Dayan g ulat ng pamimili ng boto na nagkakahalaga ng P500. Sa Bislig, Surigao Del Sur naman, nasa P3,000 ang bilihan ng boto na nagmula di umano sa mga konektado sa Liberal Party. Nakapagtala rin ang ulat ng pamumudmud ng pera sa mga botante sa Camalaniugan, Cagayan.

Sa iba pang ulat na natanggap ng grupo ang may kinalaman sa karahasan at militarisasyon. Ang presensya umano ng militar at armadong sundalo sa loob ng mga presinto sa mga barangay sa Assign Via, Taytay, at Bunugan sa Baggao, Cagayan, at Labac Elementary School sa Naic, Cavite ay lumilikha ng takot sa mga botante na nagiging dahilan ng hindi nila pagboto.

Pakikibaka sa NutriAsia

$
0
0

Karapatan. Karahasan.

Ang una’y ipinagkakait ng Estado at kompanya ng NutriAsia Inc. sa mga manggagawa nito. Ang pangalawa nama’y sagot ng “condiments giant” sa kanilang lehitimong mga hinaing.

Hataw ng batuta, pambubugbog at panunutok ng baril ang isinagot ng pulisya sa hinaing ng mga manggagawa ng NutriAsia na nagsagawa ng picket protest magmula noong Hunyo 14.

“Parang baboy (kaming) pinagdadampot,” sabi ng liderunyon na si JC Gerola. Isa siya sa tinanggal na limang opisyal matapos nilang buuin ang Nagkakaisang Manggagawa ng NutriAsia Inc.

Bilang pagtuligsa sa pagtanggal sa trabaho ng limang lider, nagsagawa ng handclap protest noong nakaraang Mayo 23 hanggang Mayo 26 ang iba pang kasamahang manggagawa at miyembro ng unyon.

Sa muling pagkakataon, pagtanggal sa trabaho ang isinagot ng NutriAsia. Mahigit 40 manggagawa ang muli pang nawalan ng trabaho, ayon sa unyon.

Dahil dito, pinili na ng mga manggagawa na magdaos ng picket protest upang mapalakas ang kanilang panawagan. Sa mga kuha ng protesta, makikita ang mga larawan at video ng pandarahas sa mga manggagawang humihingi lamang ng regularisasyon at sapat na suweldo.

Karapatan ng mga mamamayan ang makapagprotesta nang mapayapa. Ngunit kulong at bugbog ang salubong sa kanila ng mga pulis na naturingang tagapagtanggol ng bayan. Mayroong 23 manggagawa ang pinagdadampot at kinulong ng mga pulis na hanggang kahapo’y hindi pa hinahainan ng mga kaso.

“Itong mga kapulisan parang buwayang gutom,” ani ni Gerola.

Ngunit ang tunay na kalam ng sikmura ay mula sa mga maralitang manggagawa na nakakatanggap lamang ng P380 sa walong oras ng pagtatrabaho. Ayon kay Gerola, binuo ang unyon upang matugunan ang kulang-kulang na suweldo, kawalan ng benepisyo at hindi maayos na regularisasyon.

Ang malawakang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino–o kawalan ng seguridad sa trabaho at karapatang magunyon– ang ilan lang sa mga isyung pinangakong lulutasin ng administrasyong Duterte.

Sa kabila ng pandarahas na sumalubong sa mga manggagawa, mas kapansinpansin ang katahimikan mula sa NutriAsia at rehimeng Duterte.

“Yung tatlong beses na nakikipagnegosasyon na kami, ‘yung NutriAsia, ‘yung management, hindi humaharap sa amin,” paliwanag ni Gerola.

Samantala, walang maririnig na imik o pagkondena mula sa administrasyong Duterte na nangakong papanig sa mga
maralita’t nasa laylayan.

Karapatan. Karahasan.

Malinaw sa mga mamamayan kung alin ang pinapanigan ng gobyerno at ng naghaharing uri.


Kabuluhan ng kampana ng Balangiga

$
0
0

>> Naibalik na sa bansa ang “Balangiga bells“. Matagal na itong ipinapaglaban ng mga makabayan at tagasuporta nila.

>> Tatlong kampana ng simbahan sa bayan ng Balangiga sa Samar ang iniuwisa US ng mga sundalong Amerikano bilang “war trophy” o premyo sa geranoong 1901. Inilagak ang mga kampana noong 1904 sa isang base-militar saCheyenne, Wyoming. Noong bungad ng 1950s, isa sa mga kampana ang dinala sabase-militar ng US sa South Korea.

>> Tinangay ang mga kampana matapos ang sorpresang pag-atake ng mgaPilipino sa mga sundalong Amerikano, na ginantihan naman ng pagsalakay ng mgasundalong Amerikano sa mga Pilipinong nakatira sa Balangiga at mgakaratig-bayan.

>> Umaga ng Setyembre 28, 1901, sorpresang inatake ng mga Pilipino angmga sundalong Amerikano na nakatalaga sa Balangiga. Nagbihis sila ng kasuotanng kababaihang nagluluksa noong panahong iyun at itinago sa kabaong ang mgabolo. Sa ganito, nakalapit sila sa mga sundalong Amerikano nang hindinapapansin.

>> Bago nito, sapilitang pinagtrabaho ng mga sundalong Amerikano angkalalakihan. Binunot ang mga halamang ugat at kinumpiska ang mga pagkaingitinatago ng mga Pilipino — para raw hindi mapakinabangan ng mga”insurrecto” o rebelde. Dumanas ng matinding kagutuman ang Balangiga,bukod pa sa pagkauhaw sa kalayaan na ramdam sa buong bansa.

>> Nasa 50 sundalong Amerikano ang patay. Ito ang pinakamalaking pinsalangtinamo ng pwersang militar ng US sa Digmaang Pilipino-Amerikano na nagsimulanoong 1899. Nagsilbing hudyat sa matagumpay na paglusob ng mga Pilipino angpagkalembang ng mga kampana ng Balangiga. Kaya ganoon na lang ang galit dito ngmga sundalong Amerikano at tinangay ito.

>> Ang iilang sundalong Kano na nakaligtas, tumungo sa kanilang kampo sabayan ng Basey. Galit na galit ang mga opisyal-militar nang mabalitaan angnangyari. Nang sumunod na gabi, bumalik sila, dala ang dalawang kumpanya ngsundalo.

>> Utos ni Brig. Gen. Jacob Smith: “Ayaw ko ng mga bilanggo. Anggusto ko, pumatay at manunog kayo. Mas marami kayong mapapatay at masusunog,mas matutuwa ako.” Ang gusto niya, patayin ang lahat ng lampas 10 anyos nakayang magdala ng armas. Iniutos niyang gawing “howling wilderness” o”humihiyaw na kaguluhan” ang Samar.

>> Walang eksaktong bilang, pero libu-libong Pilipino ang pinatay ng mgasundalong Amerikano. Hindi lang ang mga may-edad na kalalakihan na pwedengmaging rebelde ang pinuntirya. Pinagpapatay ang mga bata, babae, matatanda,buntis, maysakit — lahat ng kanilang nakita. Sinunog ang bayan, kasama angsimbahan.

>> Humarap si Smith sa korte-militar pagkatapos, napatunayang maysala sapagmamalupit sa mga sibilyan, pero binigyan ng napakagaang na parusa — babala.

>> Naganap ang labanan sa Balangiga kasabay ng pagdaluyong ng pakikibakang mga Pilipino, karamiha’y maralitang magsasaka, sa buong kapuluan laban sapananakop ng US at para sa pambansang kalayaan. Sa kabila ito ngpag-uurong-sulong at pagkompromiso ng pamunuan ng rebolusyon noon nakinabibilangan ng mga maykaya.

>> Isang bago at sumisibol na imperyalistang bansa noon ang US, atPilipinas ang isa sa mga una nitong kolonya. Sa US at mga bansang imperyalista,malaganap noon ang pagtingin na superyor at sibilisado ang lahing puti, atatrasado at barbarikong mga lahing hindi puti. Hindi pa raw handa sapagkakaroon ng sariling gobyerno ang mga lahing tulad ng Pilipino.

>> Sa US, pinalabas na hindi mananakop ang US sa Pilipinas, kundi tagapagpalaya.Lehitimo ang naging pagtingin sa Kasunduan sa Paris ng 1898 kung saan binili ngUS ang Pilipinas, Cuba at Puerto Rico mula sa Espanya.

>> Sa ganitong mga dahilan, hindi kinilala sa mahabang panahon nggobyerno ng US na “digmaan” ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Para sakanila, “insureksyon” lang ito. Hindi rin lehitimong pag-atake angginawa ng mga Pilipino sa Balangiga, kundi masaker — ng kanilang mga sundalo.Ganito ang naging mga dahilan ng mga tumutol sa pagsasauli ng mga kampana, naang karamihan ay mga beterano ng gera.

>> Ibang-iba ito sa pagpuri ng gobyerno ng Amerika sa mga sorpresangpag-atake na pinamunuan ni George Washington para sa paglaya ng US noon saBritanya. Gayundin sa pagpapatawad ng US sa sorpresang pag-atake ng Japan saPearl Harbor at sa matitinding krimen ng Germany noong World War II.


[Sanggunian: Renato Constantino, The Philippines: A Past Revisited(Quezon City, 1975). Sharon Delmendo, The Star-Entangled Banner (NewJersey, 2004), Paul A. Kramer, The Blood of Government (Chapel Hill,2006).]

_________________________________________________________________
Eugenio Daza (kaliwa) kasama si Emilio Aguinaldo

Bakit Ibabalik?

Si Eugenio Daza, isa sa mga Pilipinong nakaligtas sa Balangiga, ay gumawa ngaffidavit noong 1935 tungkol sa naganap. Kaugnay ng tinangay na kampana, tanongniya, “Pwede ba natin itong mabawi? Dedepende iyan sa pagiging makabayanng ating mga lider at kabutihang loob ng mga mamamayang Amerikano.”

Ito nga ba ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana ngBalangiga? Pagkamakabayan ng mga lider ng Pilipinas? Kabutihang loob ng mgamamamayang Amerikano? Mas kumplikado diyan ang sagot.

Una, ang tuluy-tuloy na nagpaalala sa bayan at daigdig tungkol sa mga kampanaat lumaban para maibalik ang mga ito ay ang mga makabayang Pilipino. Sila rinang mga kritikal sa Digmaang Pilipino-Amerikano at sa papel ng US sa Pilipinasat daigdig. 

Ikalawa, nanawagan ang mga lider ng Pilipinas na ibalik ang mga kampana saiba’t ibang dahilan, hindi ang pagiging makabayan. Si Fidel V. Ramos noong1996, para sa papalapit noong sentenyal ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinassa 1998. Si Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang taon, dahil sunud-sunuran siyasa China at gusto niya itong ipatanggap sa mga Pilipino — sa pamamagitan ngpana-panahong pagtuligsa sa US.

Sa ilalim ni Duterte, US pa rin ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Perosunud-sunuran din siya sa China. At dahil gusto niya itong ipatanggap samamamayan, isa sa ginagamit niyang tuntungan ang mga maling ginawa ng US — naang mga makabayan ang nagpatampok.

Kasabay ng balita tungkol sa pagbabalik-bayan ng mga kampana, sinabi ni Dutertesa pulong ng mga bansa sa Timog Silangang Asya: “Hawak na ng China angSouth China Sea, bakit pa tayo gagawa ng alingasngas?” Tiklop siya saChina, sa pag-okupa at militarisasyon nito sa mga isla na inaangkin ngPilipinas at ibang bansa. 

Bilang kapalit, umaasa si Duterte sa China ng patuloy na suportang pulitikal atmateryal sa kanyang gera kontra-droga, pautang para sa mga proyektongimprastruktura, pamumuhunan at pagtuturista ng mayayamang Tsino, at iba pa. Saganito, ginagawa nang neo-kolonya ng China ang bansa.

Ikatlo, may kakampi ang mga makabayang Pilipino sa US: mga makabayangFilipino-American at progresibong Amerikano. Sila ang mga Amerikanong maymabuting loob na nagpresyur sa gobyerno ng US na balik na ang mga kampana.

Ikaapat, hindi mabuti ang loob ng gobyerno ni Donald Trump na siyang magsasauling mga kampana. Imperyalista rin ito, bagamat batbat ng matinding krisis attuligsa. Banta rito ngayon ang paglakas ng China kaya nagsisikap itong kumabigng mga bansa na magiging kakampi.

Ito ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana: Paglaban ng mgamakabayan at tagasuporta nila sa US. Pagkatuta ni Duterte sa China atkagustuhan niyang ipatanggap ito sa bayan sa pamamagitan ng pana-panahongpagtuligsa sa US. At paghina ng US at pagsisikap nitong kumabig ng mga kakampilaban sa China. 

Kakatwa ang kasaysayan. 1901: papausbong na imperyalista ang US. Isa samga dahilan kung bakit nito gustong sakupin ang Pilipinas ay para gawin tayongtuntungan sa pag-abot sa China — noo’y isang mahinang bansa napinaghahati-hatian “na parang pakwan” ng iba’t ibang imperyalista.

2018: dominanteng imperyalista pa rin sa daigdig ang US, pero ito ay humihina,lalo na sa ekonomiya. Sumisibol naman ang China bilang bagong imperyalista,malakas ang ekonomiya at humahabol ang lakas-militar. 

Noon, naipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (bagong imperyo) at Espanya(luma). Ngayon, naiipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (lumang imperyo) atChina (bago). Walang kakampihan ang mga makabayang Pilipino; sa halip,lalabanan nila ang mga kaaway ng kalayaan ng sambayanan.

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2018

$
0
0

2009 | 2010 | 2011 | 2012 | 2013 | 2014 | 2015 | 2016 | 2017

Sa taong nagdaan, tumindi ang pasistang atake, nagpatuloy ang pamamaslang, umalagwa ang mga polisiyang kontra-mamamayan, nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, tumindi ang korupsiyon sa gobyerno, lalong nalantad ang pangangayupapa ng rehimen sa umuusbong na imperyalistang Tsino, nanatili ang impluwensiya at kontrol ng imperyalismong Kano. Lalong nalantad si Rodrigo Duterte bilang diktador na ginagamit ang puwesto para bigwasan ang sinumang tumututol o kumukuwestiyon sa pamumuno niya.

Likha ni Ericson Caguete

Samantala, tumitindi ang krisis sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Mula sa kagutuman ng mga magsasaka at katutubo sa kanayunan hanggangsa ligalig sa mga manggagawa, lalong natutulak ang masa na kumilos. Pero madalas, hindi sapat na naipapaabot sa madla ang magandang balita ng paglaban ng mga mamamayan. Dahil sa komersiyal at sensationalist na katangian ngpag-uulat sa mainstream media, hindi lumalabas ang mga istorya kung walang lantarang “bakbakan” (tulad ng marahas na dispersal o salpukan ng mga pulis at demonstrador).

Kung kaya, taun-taon, tinatala namin ang 10 sa maraming istoryang hindi nabigyan ng sapat na coverage ng dominanteng midya. Sa kabilaito ng halaga ng mga istoryang ito sa konteksto ng panlipunang pagbabago na nininanais ng mga mamamayan. Sigurado, hindi ito kumpleto, pero maaaring pagsimulan ang listahan.

Welga ng mga manggagawang bukid sa Sumifru, Compostela Valley

Mababang sahod, aping kalagayan, at panunupil sa mga manggagawang bukid sa sagingan ng pinakamalaking plantasyon ng saging sa bansa ang nagtulak sa kanila na magpaputok ng welga. May ilang welgista nang napaslang. Tuluy-tuloy ang panghaharas at paninira sa mga lider unyonista. Salamin ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid ng Sumifru sa lupit ng batas militar ni Duterte sa Mindanao. Salamin dito ito ng kasigasigan ng mga manggagawa na labanan ang panunupil at igiit ang karapatan.

Patuloy na dislokasyon ng mga residente ng Marawi

“Anyare, Marawi?” Ito ang nakalagay sa istrimer ng mga residente ng lungsod ng Marawi na nagprotesta noong Oktubre 17, isang taon matapos ang “pagpapalaya” sa lungsod. Hindi pa rin makauwi–o hindi pinapayagan ng militar na makauwi–ang libu-libong residente sa Marawi. Nakatira sila ngayon sa iba’t ibang “tent cities” sa labas ng lungsod. Hinihiling nilang makabalik na sa kanilang mga tahanan, o mga lugar kung nasaan dati ang kanilang mga tahanan. Naglunsad pa sila ng kampanya sa social media na tinagurian sa hashtag na #LetMeGoHomeMovement. Pero hindi sila nabibigyan ng sapat na pansin. Samantala, pinagbabalakan na ng malalaking kontraktor at kompanya ang “rehabilitasyon” ng lungsod.

Pananalakay ng militar sa mga komunidad ng Lumad

Patuloy ang dislokasyon ng mga komunidad ng mga Lumad sa kanilang lupaing ninuno matapos maging target ng mga operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines. Nakabalangkas sa programang kontra-insurhensiya ng gobyerno, kabilang ang Executive Order No. 70 nakalalabas lang nitong mismong Disyembre 10, Human Rights Day, na mga komunidadng Lumad ang pangunahing tagasuporta raw ng armadong pakikibaka ng New People’s Army sa Mindanao. Kung kaya, target ito ng mga operasyong militar. Samantala, napagusapan nang husto sa dominanteng midya ang isyu (kahit bahagya) nang ilegal na arestuhin sina Satur Ocampo, ACT Teachers Rep. France Castro, at 16 iba pa, na nagtangkang umayuda sa mga estudyanteng Lumad na inaatake ng grupong paramilitar na Alamara sa Talaingod, Davao del Norte.

Ligalig at paglaban ng mga manggagawang kontraktuwal

Sa simula ng taon, pumutok agad ang kaliwa’t kanang protesta at welga pa nga sa iba’t ibang empresa at pabrika sa bansa. Ang mga umaalma: mga manggagawang kontraktuwal na matagal na pinangakuan ng rehimeng Duterte na ireregularisa sila. Ang ilan sa mga kompanya, tulad ng malalaking kompanyang PLDT, Jollibee Foods Corp., Magnolia, SMT Semiconductors, Coca-Cola, Slord Development Corp., at, siyempre, NutriAsia, lantarang di-sinusunod ang utos na iregularisa ang kontraktuwal na mga manggagawa nito na siyang utos ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa mga kompanyang nabanggit, NutriAsia ang pinakamatunog, matapos ang marahas na dispersal ng kompanya sa nakawelgang mga manggagawa noong Hulyo 30. Pero kahit sa pangyayaring ito, mas manedsment ang nabigyan ng ere sa midya. Dinakapagtataka: pinakamalalaking advertiser ng TV networks ang ilan sa mga kompanyang ito. Isa pa, notoryus din ang networks tulad ng ABS-CBN-2 at GMA-7 sa pag-eempleyo ng kontraktuwal na paggawa.

Bungkalan ng maralitang magsasaka sa tiwangwang na mga lupaing agrikultural

Muli, bahagyang nabanggit ang bungkalan at okupasyon ng mga magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP nang maganap ang masaker sa Sagay City, Negros Occidental sa siyam na magsasakang nagbubungkalan noong Oktubre 20. Pero tila mas gumuhit sa madla ang paninira ng Philippine National Police, na nagsabing mga miyembro ng New People’s Army daw ang pumatay sa mga magsasaka- -kahit na walang nagpapatunay rito at mas dapat na paghinalaan ang mga grupong paramilitar sa kakuntsaba ng mga Tolentino sa Hacienda Nene. Samantala, sa iba pang bahagi ng bansa, nagaganap din ang iba-ibang bungkalan sa tiwangwang na mga lupaing agrikultural, bilang aktibong pagtugon ng organisadong mga manggagawa sa kagutuman dulot ng monopolyo ng iilang panginoong maylupa at agrokorporasyon sa lupa.

Paninira at panghahati sa mga maralitang nag-okupa ng pampublikong pabahay sa Pandi

Kunwari’y pinamunuan ng isang Jeffrey Ariz ang 300 residenteng maralita mula sa okupadong pampbulikong pabahay sa Pandi, Bulacan na tumiwalag diumano sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dahil daw sakorupsiyon sa loob. Pero ang totoo, 30 lang ang tumiwalag, at sila iyung lokal na mga lider ng Kadamay sa Pandi na tinanggalan ng posisyon dahil nasangkot sa pagbenta ng bahay at iba pang iregularidad. Pinangunahan ni Ariz ang pananakot ng grupo niya sa libulibong residenteng patuloy na nakapaloob sa Kadamay. Pero sa midya, mas gumuhit ang nasabing maling impormasyon — pangunahin dahil nababalitang inayudahan ng National Housing Authority at pulisya ang grupo ni Ariz na kumonekta sa midya.

Tanim-baril at tanim-granada at iba pang gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista

Noong Pebrero, inaresto si Rafael Baylosis at isangkasamahan sa Quezon City, habang bitbit ang isang plastik ng organic rice. Pagdating sa himpilan ng pulisya, biglang nadiskubre diumano na may granadangnakatago sa bigas. Noong Oktubre 15, inaresto naman ang apat na aktibista (sina Adel Silva, Ireneo Atadero, Edisel Legaspi at Hedda Calderon), kasama ang drayber nila, sa Sta. Cruz, Laguna habang nakasakay sa isang maliit na kotse. Bigla, inanunsiyo ng pulis na nakakuha sila ng mga baril at granada sa sasakyan. Nitong Nobyembre 8, inaresto naman ang kapwa konsultant ni Silva ng National Democratic Front na si Vicente Ladlad sa isang bahay sa Quezon City. Nakuhanan daw siya ng pulisya ng M-16, AK-47, mga pistola, at bala. Nitong Disyembre 6, inaresto naman ang isa pang konsultant ng NDF, si Rey Casambre, kasama ang asawa niyang si Cora. Mga baril at pasabog muli ang nakuha raw sa kanya. Lantaran at halatang gawa-gawa ang mga kaso sa kanila. Samantala, gawa-gawang kaso sa malalayong lugar na di pa nila napupuntahan ang isinampa sa mga bilanggong pulitikal tulad nina Rowena at Oliver Rosales, Moajo Maga, at iba pa.

Mga panganib na laman ng pederalismo at charter change

Binatikos ng madla si Mocha Uson, kasama si Drew Olivar, sa nag-viral na video nito na nakikitang malaswang sumasayaw si Olivar bilang bahagi ng pagpopopularisa sa kampanya ng rehimeng Duterte tungkol sa pederal na porma ng gobyerno. Pero hindi gaanong tinalakay rito ang aktuwal na nilalaman ng pederalismo, na sa esensiya’y pagkokonsentra ng kapangyarihang lokal sa iilang dominanteng mga pamilyang pulitiko (mga warlord o landlord sa iba’tibang probinsiya ng bansa). Nakapaloob din sa pagrerepaso ng Saligang Batas sa Kongreso ni Speaker Gloria Arroyo ang pagpapalawig sa termino ng nakaupong mga pulitiko. Pero pinakamasahol dito — at hindi gaanong nabibigyan-pansin — ang mga panukalang pahintulutan na ang 100 porsiyentong dayuhang pag-aari sa mga lupaing agrikultural, mga empresa at maging midya.

Paglaban sa gutom ng mga magsasaka ng Silangang Bisayas

Tuwing may sakuna, palaging binibigyan-diin sa dominanteng midya, lalo na sa mga patalastas ng malalaking TV networks, ang pagsisikap ng ordinaryong mga mamamayan na bumangon at mapagpunyagian ang lugmok na kalagayan dulot ng bagyo. Pero kung higit sa pagpupunyaging mabuhay, nagawa nilang aktibong ipaglaban ang kanilang karapatan at singilin ang mga maysala sasakuna, tila di na sila pinapansin. Noong Pebrero, nagpunta sa Maynila ang grupo ng mga magsasaka at mamamayan sa Samar, ang Samahan han Gudti nga Parag-uma – Sinirangan Bisayas o Sagupa, at People Surge, para iparating sa marami ang gutom na inaabot noon ng mga magsasaka sa Silangang Bisayas dahil sa paglaganap ng pesteng bacterial leaf blight o BLF at black bugs sa kanilang pananim simula pa 2016. Hindi sila inayudahan ng Department of Agriculture at pinagbantaan pa ng militar.

Pekeng krisis sa bigas

Sa pagsisimula ng taong 2018, agad na ibinalita ang papaliit na suplay diumano ng bigas ng National Food Authority (NFA). Ang naturang ahensiya ang nagsusuplay ng pinakamurang bigas na abot-kamay sa masa dahil sa ayudang pondo na binibigay ng gobyerno sa ahensiya para makabili ng bigas sa mga magsasaka. Pero yun na nga, papaubos na raw ang suplay. Ang solusyon ng gobyerno, umangkat ng mas marami pang bigas mula sa Vietnam at Thailand. Pero sa suri ng Bantay Bigas, lumalabas na artipisyal lang ang “krisis sa bigas” dahil may sapat na suplay dapat na naipoprodyus ang mga magsasakang Pilipino. Dahil sa “krisis” na ito, nagkaroon ng dahilan ang pribadong tagasuplay ng bigas na magtaas ng presyo o kaya magsagawa ng hoarding. Ang pinakaapektado ay ang mga magsasaka at ordinaryong mga mamamayang kumokonsumo sa bigas.

Randy Malayao: isang kolektibong pag-alala

$
0
0

Malumanay pero matikas, malakas tumawa at palabiro pero seryoso sa maraming bagay. Ganito ang pagkilala namin kay Randy Malayao.

Naaalala ko pa noong gitnang bahagi ng dekada ’90, nang mabalitaan na may isang kabataang intelektuwal ang nagnanais na kumilos sa rehiyong Cagayan.  Siyempre, masaya kami, dahil noong panahon na iyon,  mangilan-ngilan lang ang nagpapahiwatig ng kagustuhan na kumilos nang buong panahon sa kanayunan,  sa hanay ng mga magsasaka.

Noong una kong makita si Randy bago siya pumasok sa erya,  nakakuwentuhan ko na siya. “Kumilos na ako sa ibang rehiyon,  panahon naman na kumilos ako sa rehiyong pinagmulan ko,” matatag niyang bigkas.  Mula noon, madalas na namin siyang nakakasalamuha, at nakalikha ng maraming alaala na hindi makakalimutan ng mga kasama at masa sa rehiyon.

Sabi nga ng isang nakasama niya sa isang gawain,  tila walang kapaguran kung siya ay magtrabaho. Mula umaga hanggang hatinggabi subsob sa pagsusulat ng mga polyeto, mga statement at mga artikulo. Ayon sa naturang kasama, “Siya ang matiyagang nagturo sa akin na magsulat ng mga artikulo,  polyeto.  Marami akong natutunan sa kanya.”

Isa sa mga proyekto ng kanilang grupo ang Saniweng iti Tanap ti Cagayan,  isang koleksiyon ng mga rebolusyonaryong awitin na likha sa rehiyon.  Hindi nakakapagtakang matagumpay na nabuo ang proyekto dahil bukod sa mahilig din siyang umawit, buo ang kanyang loob na makakuha ng suporta para sa rehiyon.

“Dumadagundong ang boses niya kapag may mga kulturang pagtatanghal,” alaala ng isang kasama. “Hindi mo nga maikakaila na nasa paligid lang siya, dahil sa lakas pero mababang boses niya,” sabi naman ng isa pa niyang nakasama.  Madalas kapag may mga bumibiistang aktibista mula sa labas, isa  siya sa mga  hinahanap dahil naiintriga kung sino iyung matikas, malakas ang boses pero malumanay na kasamang kinagigiliwan ng marami.

“Wala siyang kapaguran sa pagpopropaganda. Kadalasan, bumibisita siya sa mga kalapaw (kubo) namin sa gabi, kinukuwento niya ang pagiging estudyante niya hanggang sa naging aktibista at mag-fulltime, ” sabi naman ng isa niyang nakasama. “Maalala ko nga na minsan napagalitan tayo dahil kahit gabing-gabi na,  nagkukuwentuhan pa tayo at sinasabayan pa natin ng malakas na tawanan.”

Sa isa namang pagtatagpo namin sa Isabela, sa isang tuktok ng matatarik na kabatuhan, naranasan namin ang maligo sa kakarampot na tubig dahil tag-araw noon at hirap ang tubig.  Kaya naman nang dumating ang unang ulan sa gitna buwan ng Mayo, para kaming mga batang naligo sa ulan at lahat ng puwedeng lagyan ng tubig ulan pinuno sa pag-aakalang hindi pa panahon ng tag-ulan.  Resulta, hirap namang magpatuyo ng damit. Naalala ko nga na ’yung sampayan ng damit malapit sa kanyang kalapaw,  magkakatabi ang kanyang damit at mga pahina ng publikasyon na bagong kayod mula sa risograph.  Nauuna pa niyang samsamin ang mga pahina ng diyaryo nung umulan.

Sa kuwento naman ng isa pa niyang nakasama,  matingkad na katangian ni Randy ang pagiging maalalahanin sa mga kasama kahit na yaong mga nasa ibang gawain na o ’yung nangibang bansa para maghanapbuhay. “Naging ninong ko siya sa kasal. Madalas siyang magbigay ng advice kapag nagkakaproblema kaming mag-asawa. Kahit nga noong tuluyan kaming naghiwalay na mag-asawa,  isa siya sa mga unang nagbigay ng payo sa akin,” sabi niya.  Dagdag pa niya, kahit nasa ibang bansa na siya,  madalas na nagpapadala si Randy ng mga chat message,  nangungumusta,  nagbibigay ng payo.

Kahit nga nung nasa kulungan, hindi niya nakakaligtaang mangumusta sa mga kasama,  kaibigan at kakilala na nasa labas ng kulungan.  Minsan nga nagulat na lang ang asawa ko,  bigla siyang nagpadala ng mensahe,  “kumusta…. ,  jail aide ako ngayon,  kaya medyo maluwag.  Kumusta si lakay mo?”  patungkol sa akin.  

Ganundin nang makalabas siya mula sa kulungan at kumilos bilang peace consultant. Hindi nagbago ang kanyang pakikisalamuha sa mga dating kasama.  “Madalas siyang dumaan sa bahay,  nag-aalaga sa mga anak ko,”  kuwento naman ng isa pa niyang nakasama.  Hindi rin mapili sa pagkain  si Randy, “kahit anong pagkain sa bahay kakainin niya,  hindi siya namimili.”

Pero may paborito namang lutuin si Randy, ang pansit cabagan na nauna kong matikman sa isang selebrasyon na aming inilunsad sa isang lugar sa Bulacan.

Siyempre, hindi rin naman nawawala ang mumunting kahinaan, kung maituturing man na kahinaan.  Naalala kasi ng isa niyang nakasama na sa isang pulong pag-aaral, nakatulog siya at nahulog sa upuan.  Malakas din siyang humilik, “masa din siya,  masandal tulog.”

Ganundin, marunong din siyang humanga sa kababaihan,  isa sa mga nakasama niya ang nagsabi na naging “crush” daw siya  ni Randy.

“Meron ’yung time na pumupunta siya sa kubo naming mga babae, nakipagkuwentuhan, nagbabahagi sya ng mga karanasan niya sa pagkilos niya, karanasan niya bilang studyante, bilang aktibista, bilang manunulat.  Isang beses na may nasabi siya sa akin nung kami lang ang nag-uusap sa isang kubo.  Kuwentuhan kami, hanggang may ipinagtapat sya sa akin. Nung una pala niya akong makilala sa bahay namin sa Tuguegarao, may crush na pala siya sa akin,” kuwento ng isa. Pero hindi sila naging magkarelasyon. Si Randy pa nga ang tumayong ninong nang ikasal siya.

Naalala ko nga na may pormal din siyang niligawan, ‘yung kasamang babae, may alagang puting aso.  Kasama sa panunuyo sa babae, si Randy ang nagpapaligo sa aso, at nagpapainit pa siya ng tubig na pampaligo ng aso.

Maraming nakasama pero iisa lang ang pagkilala sa kanya:  Matikas pero malumanay, palabiro, at palatawa pero seryoso, maalalahanin at responsableng kasama.

Kaya naman, kahit nangungulila kami, kasama ng karamihan,  dadagundong pa rin ang boses ni Randy Malayao sa mga lansangan at mga bulwagan hanggang sa mga ublag na kampuhan sa kanayunan.

Mabuhay ka kasamang Randy!

Prof. Jose Maria Sison at 80: I am at Home in the World

$
0
0
(First of a Series)

Prof. Jose Maria Sison left the Philippines on August 31, 1986, soon after his release from detention in the same year.

He set off for a world speaking tour right after the founding of Partido ng Bayan. He went to Australia first, then the New Zealand as part of his tour’s Asia-Pacific leg. Speaking engagements were already arranged in different universities in Asia, Europe and the US.

He has not returned to the Philippines since.

“I could not return even if I wanted to,” said Prof. Jose Ma. Sison.

He and his wife Juliet De Lima Sison were already in Japan when they heard about the murder of Filipino lawyer and labor leader Rolando “Ka Lando” Olalia and his driver Leonor Alay-ay in November 1986.

“I wanted to return to the Philippines, soon after Ka Lando was killed. It was Julie who went back to the Philippines to seek news and ask whether I could come home.”

Prof. Sison was hoping that he could return to the country, thinking the military must be ‘busog’ after killing Lando.

“But comrades said, ‘No, they are after you in the first place.’ Julie came back with the advice that I should not return, and instead just complete my tour,” narrated Prof. Sison.

They proceeded to Europe after the Asia-Pacific tour. In September 1988, the Philippine government upon the prompt of military officials cancelled Prof. Sison’s passport. This forced him to apply for political asylum in The Netherlands the following month.

Prof. Sison with the author.

Breaking News in the Philippines

While Prof. Sison is now thousands of miles away from the Philippines, he does not miss out on important developments in the country. How he keeps track of all the burning issues such as the elections, corruption, Chinese intervention in Philippine waters, trade deals with China, human rights violations under the Duterte regime, even Duterte’s medical condition, to name just a few, is just astounding.

He pays attention to economic, social, political issues in the Philippines, the relations of exploiting and exploited classes, how the Philippine struggle is being carried out, and how the US imperialist power remains dominant and influential in the direction of Philippine economy and politics.

“I have an outline knowledge of the Philippines, but that outline changes from one situation to another. I keep on filling up this outline with information from personal contact with visitors. When comrades, allies or simply friends from the Philippines come to visit, I always try to squeeze as much as I can get,” Prof. Sison explains.

Sometimes, some of us in the Philippines even hear news from Prof. Sison first. He is quite amused himself that he gets news ahead of us.

“I also get news through the internet. I get ahead of all the Filipinos of what has been printed for the consumption of the public. I get the news ahead because the newspapers are prepared before the Filipinos at home wake up,” Prof. Sison said with light laughs in between.

Prof. Sison who came from big universities in the Philippines as a student and an instructor, however, still reminds us that learning is not and should not be confined in the halls of academe.

“You may have all the high learning from the University, but you still have to learn first hand from the peasants, if you want to do work for the peasants, you must learn from them, and not just impose what you learn from the academe,” Prof. Sison said

Sometimes the Heart Yearns for Mangoes

When asked whether he misses the Philippines, Prof. Sison instantly replied, “Of course, I miss the Philippines: comrades, friends and relatives, and the masses in the course of revolutionary activity.”

Prof. Sison said he uses the metaphor mangoes for his homeland and what he misses most about it. He wants to come home to the Philippines, but whether he has plans to or when will this happen, is another question.

“I desire that the revolutionary movement would advance to such an extent that my return would become possible. Even if the prospect is there with regard to the peace negotiations, that’s still dependent on how far the revolutionary movement strengthens itself that it can make agreements that would make safe my return to the Philippines,” Prof. Sison explains.

He does not regret not being able to return for now.

“The enemy, it seems — as it turns out even from someone like Duterte who pretends to be very open or very desirous for my return — they have their own plans of capturing the peace negotiations by possibly putting myself into their hands, and I would not allow myself to be put into a situation completely under the control of the enemy,” he said.

Even if Prof. Sison misses the Philippines, his family and friends, comrades and the masses in the struggle, even if sometimes his heart yearns for mangoes, he is comforted by the fact that the revolutionary movement grows stronger by the day.

“I am like the farm worker or the migrant worker who seems to be immune to homesickness because he needs to leave his village and find a living elsewhere,” he added.

Prof. Jose Maria Sison’s dedication to the revolutionary cause and engagements in struggles at all fronts since his youth, in the Philippines and internationally, turned him into the great man that he is.

“I am not just a patriot. I am also an internationalist. I am engaged not only with the revolutionary movement in the Philippines but with the international working class movement. I am at home in the world,” he said.

Pag-ibig o pangarap

$
0
0

Hindi kailanman kuwestiyon sa isipan ni Joy (Kathryn Bernardo) kung saan patutungo ang lahat ng pinaghihirapan niya bilang domestic helper, waitress, tindera, atbp. na illegal alien o TNT (tago-nang-tago) sa Hong Kong: Gusto niyang pumunta ng Canada.

Nandun, sa isip niya, ang kasagutan. Makakapagtrabaho siya nang sang-ayon sa kasanayan at pinag-aralan niya (bilang nars), habang unti-unting mapagkakaisa ang pamilya na pinagwatak-watak din ng pangingibang bansa. Ang nanay ni Joy na naunang nagtrabaho bilang DH sa Hong Kong, inasawa na ng kanyang amo. Kaya todo-kayod siya. Kahit tinutugis ng Hong Kong immigration. Kahit sukdulang magtrabaho magdamag, halos walang pahinga. Halos walang ligaya.

Sa panahong ito niya nakilala si Ethan (Alden Richards). Babaero siya, walang seryosong relasyon, at bartender sa niraraketang bar ni Joy sa gabi. Nang mapatakbo si Joy sa gitna ng pagwe-waitress at tinugis ng mga pulis ng Hong Kong, aksidenteng natulungan siya ni Ethan. Palasak na sa maraming pelikula: kunyari maghahalikan sila para di mapansin ng pulis. Ganoon ba ka-ordinaryo ang naghahalikang magkasintahan sa HK para di abalain ng pulis? Tanggapin na lang natin iyon. Basta, tuluyan nang nahulog ang loob ni Ethan sa desperadong si Joy.

Hindi problema ng pelikula kung magmamahalan ba talaga o hindi ang dalawa. Ang problema, kung ito ba ang mananaig o ang pangarap sa buhay na naunsiyami dahil sa mga obligasyon sa pamilya.

Kahit pa. Binebenta ang pelikulang Hello, Love, Goodbye bilang love story. Binebenta rin ito bilang unang pelikula ni Kathryn Bernardo labas sa tambalang KathNiel (kasama ang kasintahang si Daniel Padilla) at ni Alden Richards sa tambalang AlDub (kasama ang katrabaho sa noontime show na si Maine Mendoza). Hindi kagulat-gulat na love story muli ang bagong pelikulang ito ng mainstream na direktor na si Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema. Sa yugtong ito ng mga karera nina Kathryn at Alden, tila hindi pa handa ang dalawang iwan ang kanilang romantic lead stardom, at ang mabentang pormula ng love story sa pelikula, para gumawa ng seryosong magandang pelikula na hindi naman nagpapakilig sa fans nila.

Gayunman, mabuti naman at medyo naging bahagi na si Garcia-Molina at iba pang mainstream na mga direktor ngayon sa kaunting pagbabago sa pormula. Ang pagbabagong ito, nagsimula noong unang dekada ng 2000, sa mga pelikulang katulad ng Kailangan Kita, Milan, Dubai at iba pa, at rumurok sa That Thing Called Tadhana, Hows of Us, Never Not Love You, at Alone | Together – mga pelikulang love stories pero nakitaan ng reyalistikong mga sitwasyon na kinailangang harapin ng mga karakter sa kabila, o dahil sa, pagmamahal nila sa isa’t isa. Sa madaling salita, sa mga pelikulang ito, nakikitaan ng kaunting maturity o pagtanda ang mga pelikulang love story ng mainstream na pelikulang Pinoy.

At katulad ng kinasadlakan ng mga karakter na OFW (overseas Filipino workers) sa ilan sa mga nabanggit na pelikula, nakita rin ang mga karakter nina Kathryn at Alden sa sitwasyong tunay na nararanasan ng milyung-milyong Pilipino sa ibang bansa: ang pagkakawatak-watak ng pamilya, ang pagsabak sa masasahol na mga kalagayan sa trabaho, ang diskriminasyon o pagmamaliit ng mga lokal sa kanilang mga migrante. Ang nanay ni Kathryn, biktima ng seksuwal na panghaharas ng kanyang amo (gusto siyang asawahin kahit kasal na sa Pilipinas) at kalauna’y binubugbog nito. Si Ethan, nadeport sa Amerika sa kahahabol sa karelasyong nagtrabaho roon.

Dahil sa pagmamahal niya kay Joy, natulak si Ethan gumawa ng mga hakbang para hilutin ang relasyon niya sa mga kapatid at tatay na nasira dahil sa paghahabol sa ex sa Amerika. Pero si Joy, permanente na ang pagkawasak ng pamilya. Ito ang naghudyat sa kanyang ituloy pa rin ang pagpunta sa Canada—pero hindi para sa pamilya kundi para sa sariling ambisyon. Kaya, sa kanyang isip, kailangang maghiwalay sila ni Ethan (na hindi na puwedeng umalis ng Hong Kong).

Bakit kailangan pang mamili sa kanyang relasyon kay Ethan at sa sariling ambisyon? Hindi ba niya kayang makamit ang mga pangarap nang nasa Hong Kong? O kaya umuwi na lang sa Pilipinas? Sa mga karakter na ito, hindi na opsiyon o choice ang pag-uwi. Walang pag-asa sa Pilipinas. Sa salita ng ina ni Joy na ginanap ni Maricel Laxa: Pare-pareho lang silang mamamatay sa gutom.

Hindi nila, siyempre, kasalanang mangarap ng mas magandang buhay—para sa pamilya at sa sarili. Sa mga pelikulang katulad ngayon ng Hello, Love, Goodbye, nasasadlak ang mga karakter sa problemang mamili sa pagitan ng pamilya o sarili, pag-ibig o ambisyon. Hindi ba opsiyon ang piliin ang pareho?

At bakit hindi opsiyon sa mga filmmaker ng mainstream na mga pelikula na humigit pa sa pagpapakita sa mga katulad nina Joy at Ethan bilang produkto, hindi lang ng kanilang mga piniling opsiyon sa buhay, kundi ng mas malalaking puwersa sa lipunan? Katulad, halimbawa, ng mga puwersang nagtutulak sa milyun-milyong Pilipino na wasakin ang pamilya at mangibang bayan para lang mabuhay?

Kasi, kung ganito ipinakita ang problema, may isa pa sanang opisyon si Joy: manatili sa piling ni Ethan, at mag-ambag sa kontra-tulak sa puwersang nagbibiyak sa kanilang mga pamilya at nagwawasak sa kanilang mga pangarap.

Para kay Chickoy

$
0
0

Si Chickoy Pura—ng bandang The Jerks, ang lodi ng maraming rakista, aktibista at tagahanga ng  kanyang alternatibo at makabuluhang musika—ang sentro ng alay, tinig, mensahe, pagmamahal sa isang benefit concert para sa kanya sa Conspiracy Cafe noong Sabado, Agosto 17.

Tinaguriang haligi na si Chickoy ng komunidad ng musiko sa Pilipinas, bilang bahagi ng minsan nang tinawag ng Pinoy rock journalist na si Eric Caruncho na “best rock n’ roll band in the country, bar none.” Bukod dito, haligi rin siya ng progresibong musika, bilang mang-aawit at kompositor ng pinakasikat na progresibong mga kanta, tulad ng “Rage”, Sayaw sa Bubog”, Reklamo Nang Reklamo”, at marami pang iba.

Sa Conspiracy Cafe, marami ang naglaan ng panahon upang damayan si Chickoy sa kanyang kasalukyang kalagayan at karamdaman.  Kinapanayam ng PinoyMedia Center si Chickoy hinggil sa kanyang karamdaman at patuloy na paglaban.

* * *

PMC: Kamusta ka na Chickoy? Ano nang lagay mo?

Nag-umpisa ang lahat noong Hunyo. Nireklamo ko na ang panunuyo ng aking balat. Ang sabi ng doktor, retro-dermatitis.  Pagkalipas ng ilang linggo na-diagnose ako ng t-cell lymphoma o leukemia.

Sa ngayon, maayos ang pakiramdam ko at wala naman akong ‘pain’ (pananakit) bukod sa pangangati ng aking balat. Alam kong may kanser ako, pero di pa ito nagpaparamdam sa akin.

Minsan, nakakaramdan ako ng lungkot. Pero sa okasyon tulad ngayon, masaya at nakakahugot ako ng lakas. Labis ang aking tuwa na makasama ko ang mga kapwa musikero at mga kaibigang sumubaybay sa aking musika. Grabe ang pagiging mapagmalasakit ng mga tao at ramdam ko din kung gaano napapahalagahan ng marami ang aking ambag bilang musikero.

PMC: Ano ang mensahe mo sa iba pang dumadanas ng matinding karamdaman ngayon?

Sa ibang may sakit tulad ng aking karamdaman, sa una’y makakaranas kayo ng ‘confusion’ (kalituhan) at malaking bagay tulad ng ginawa namin ng aking kabiyak na si Monette (ang) nakipagusap sa ibang cancer patients. Kumonsulta (kami) sa mga doktor at nag-research. Mula doon, nagkaroon kami ng mas maayos na perspektiba sa pagtanaw ng aking karamdaman.

Ang kanser ng tao, wala sa kanser na dinadanas ng bayan. Mas matindi ‘yun. Kaya malaking pagkakamali ang di makatugtog muli ano pa man ang ating karamdaman. Dahil ‘yun ang personalidad o karakter ko. Kapag huminto ako sa pagtugtog, ibig sabihin huminto ako sa pagsisilbi sa tao. Mas nais kong piliin ang magsilbi at magpatuloy.

* * *

Marahil, magandang pagsasamusika sa diwang panlaban at mapaglingkod ni Chickoy ang kanta ng The Jerks na ‘Rage’:

But I’ll go not gently into the night
Rage against the dying of the light
Sing a song about this terrible sight
Rage until the lightning strikes
Go not gently and rage with me

Kasama ng mga mamamayan si Chickoy sa mahabang panahon ng paglaban. Panawagan ng mga tagasuporta at kaanak niyang samahan din natin siya sa kanyang laban ngayon.

Sa darating na Sabado, Agosto 24, isa pang benefit concert ang iaalay para kay Chickoy na gaganapin sa My Brother’s Mustache Bar. Isama ang inyong mga kaibigan, kadate at mga kamaganak. Alay na gabi para sa mahal nating lumalaban at naglilingkod.

Urgent Appeal for a Unified Approach to tackle #Covid19 Pandemic

$
0
0

Allow us to bring to the fore the current state of our healthcare facilities in light of the COVID-19 pandemic.

An alarming number of nurses, residents, consultants, and hospital employees are under 14-day quarantine while the number of PUIs (Persons under investigation) continue to flock to our emergency rooms every day. Our regular rooms have been converted into COVID-19 isolation areas, leaving less for other non-COVID-19 high-risk patients who also have life-threatening conditions. The panic is escalating, mortality is increasing, our supplies of personal protective equipment (PPE) are running short, our frontline staff are increasingly getting depleted as more of them are quarantined or physically and emotionally exhausted, and a number of our medical colleagues are already hooked to respirators fighting for their lives in various ICUs. Even our ICUs are getting full. Soon we will have a shortage of respirators. We have every reason to be scared; we are, indeed, very scared because we feel that we are on our own to face our countrymen in dire need of help.

This unprecedented and escalating medical crisis cuts across borders. The rest of the world, even countries as rich as the United States, are facing the same fears, the same looming threat of shortage of supplies, ICUs, PPEs and healthcare workers. If we do not put our act together, the prospect of the healthcare delivery systems crashing down is imminent and real. It is already happening.

We speak, as one, because the mismatch between the exponential surge of patients and the available healthcare workers is no longer occurring in just one center, but in all our respective institutions. We share information and coping mechanisms, but we cannot share resources that we no longer have.

As we observe globally, and in alignment with the government efforts, the most effective way to slow down this pandemic is through effective containment and distancing within the potentially disease-stricken population. Given the sharp increase of COVID-19+ patients per day, we have to act fast and act now. There is no time for indecision.

Thus, our collective call to action is to centralize all efforts and resources into ONE OR TWO COVID-19 hospitals, adequately equipped and invested upon by the government, designated to receive, screen and treat PUIs and COVID-19 positive patients when the allowable number of the cases per hospital, private and public, is exceeded. We are aware that there is a plan to do this; we are urgently appealing for the DOH to mobilize this plan, challenging as it may be, but which the private hospitals are willing and ready to facilitate.

Execution of the plan will allow for concentration of resources, speed of patient processing and efficiency in protocol execution, rendering better chances for infection containment.

With the COVID-19 hospital(s) in place, the other institutions can then focus on the bigger population who need to be treated for the rest of the other conditions other than the COVID-19 infection. They are the ones we need to equally protect and secure from the virus, so that they and their families can also be assured of appropriate treatment detached from any threat of COVID-19 infection aggravating their condition.

The possibilities and power of a network set-up like this behooves all of us – in both the private and public sectors ? to pursue this plan soon. We are not shying away from our responsibilities; we are ready to take in the non-COVID 19 patients of the designated COVID-19 hospitals, and if necessary, provide temporary practice privileges to their medical staff whose (non-COVID-19) patients will be transferred to our hospitals.

This is a plan that we push to be realized without delay. Our objective is to put order and organization on a national scale as we all grapple with dwindling resources, increasing morbidity and mortality, and a decimated healthcare workforce as the virus continues to spread relentlessly.

 

ADVENTIST MEDICAL CENTER

Dr. Bibly L. Macaya, President & CEO

 

ASIAN HOSPITAL MEDICAL CENTER

Dr. Jose M. Acuin, Chief Medical Officer

 

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

Dr. Zenaida M. Javier-Uy, SVP, Chief Medical Officer

 

FATIMA UNIVERSITY MEDICAL CENTER

Dr. Oscar Payawal, Chief Medical Officer

 

MAKATI MEDICAL CENTER

Dr. Saturnino P. Javier, Medical Director & Interim CEO

 

MANILA DOCTORS HOSPITAL

Dr. Dante Morales, Board Member

Dr. Mario M. Juco, Chief Medical Officer

 

MEDICAL CENTER MANILA

Dr. Eduardo S. Eseque, Chief Medical Officer

 

OUR LADY OF LOURDES HOSPITAL

Dr. Milagros Joyce Santos, Chief Medical Officer

 

THE MEDICAL CITY

Dr. Eugenio Jose F. Ramos, President & CEO

 

ST. LUKE’S MEDICAL CENTER

Dr. Benjamin S.A. Campomanes, Jr., Chief Medical Officer

 

UNIVERSITY OF THE EAST RAMON MAGSAYSAY MEDICAL CENTER

Dr. Napoleon B. Alcedo, Assistant Chief Medical Officer

 

ENDORSED BY:

 

PHILIPPINE COLLEGE OF PHYSICIANS

Dr. Gina C. Nazareth, President

 

PHILIPPINE COLLEGE OF SURGEONS

Dr. Jose Antonio M. Salud, President


True to himself and others

$
0
0

On August 20, 2020, in an almost bare room in an ordinary house in Dasmarinas, Cavite, a small but brilliant light went out and the world was made more unhappy because of it. On that day, underground street artist, everyday philosopher and activist Pong Para-Atman Spongtanyo died. He was 35 years old.

Heyres aka Pong (From Christine Nierras Cruz’ Facebook post)

Born Gutson A. Heyres, Pong was not part of the section of local Filipino painters and graphic artists who were covered by art magazines or who opened exhibits in shiny galleries with gleaming surfaces and walls.

As a street artist and activist, his work found audiences among the urban poor, street children, commuters on the way to and from work. Various dingy or decrepit walls in Cavite, Quezon Province, and Metro Manila have become canvasses for his art, and while some might consider the murals as acts of vandalism, it’s impossible to dismiss them simply as such because of the evident skill and insight that went into their creation.

As a human being, he made many friends and touched countless lives through his generosity with his art, and his time. He was born poor, by all accounts lived simply and with humility; and now in the wake of his passing, the wealth of his kindness is revealed as hundreds express deepest grief.

Lived on the streets, gave back to communities

One of Pong’s works. (From Oblack Herb’s Facebook post)

Like many of the things that shaped his awareness, Pong learned to paint from people he’d met and the different environments he found himself in as he was growing up. This was, as fellow artist Buen Abrigo explained, because Pong practically grew up on the streets.

 “He left home when he was a teenager – he didn’t even finish high school. He came from a poor family, and I guess he felt that the only way to solve the problems he and siblings experienced because of their extreme poverty was to leave and strike out on his own,” he said.

Buen said that when he first met Pong in 2007, the latter was working on a street mural and he was scrawny, dirty-seeming, and sat on a wheelchair. It turned out Pong had just been released from the hospital and was not strong enough to walk.

“But even back then it was impossible not to see how talented he was – the way he wielded that brush, the way the images came out slowly on that wall, it was clear he had a gift. It was very raw skill because he didn’t have any formal art training from school or any institution. He learned from other artists, from craftsmen he made friends with. He believed in the DIY culture, and he was a quick learner,” he said.

Coming from a recipient of the Thirteen Artists Awards by the Cultural Center of the Philippines like Buen, this was real praise.

Buen said that up until that time in 2007 when they first met, Pong had been living in an urban poor community where it was really dirty – no access to running water. “Talagang dugyot,” he said.  Buen theorizes that it was probably there that Pong fell into unhealthy habits, but the kind that no one willingly acquires. Because of  poverty, Pong did not get enough food or nutrients, and the lack of access to basic social services left him with poor health and hygiene.

“He didn’t smoke, he wasn’t much of a drinker, and he certainly didn’t do drugs. He was just generally unhealthy. He was skinny, and through the years he just became thinner.  I think it’s safe to say that many of us – his friends, fellow punks and anarchists he worked with in his group “Food Not Bombs” and the other organizations he connected with – were always concerned about how he was doing health-wise,” he said.  “Parang will na lang talaga niya ang nagpapagaling sa kanya noon.”  (“It was his will that helped him recover from his illness.”)

Art as social commentary

Healthy or not, Pong up until the time he died was a very prolific artist, drawing almost non-stop on public walls, on pieces of paper, on cardboard and other found objects. Sometimes he sold his drawings and ketches for a shocking P150 each (“Pambili ng bigas!” was his caption to some of them when he posted pictures on his Facebook page). His most creative work, however, can be found in the magazine (or zine, as the independent, underground movement of alternative artists call them) he regularly produced called “Art-Writist.”

(Photo: Makó Micro-Press)

In Art-Writist, Pong poured out his ideas, emotions, and insight on various issues ranging from urgent social concerns to the mundane. Each page featured scribbles and complete drawings that revealed that the writer and artist referred to in the title of the zine can also be said to refer to his arthritis, a condition he had had for the longest time in his short life.

The images Pong drew reflected his views of Philippine society and how he felt about them. Smiling, round-eyed children and the can-barely-be-called-houses of the urban poor are featured prominently in them, as well crows and other carrion birds that can be interpreted as symbolizing the social system that feed off the suffering and the death of others. He also rendered images of grief and despair caused by drug-war connected or deliberate political killings  – bullets raining and falling to the ground then gathered by children in cracked rice bowls; mothers weeping in despair over what has been taken from them (homes, children, husbands, dignity and the right to live in peace).

In July of 2019, Pong and Buen had an exhibition in Kanto Artist-Run Space, a small but popular among activist circles gallery in Makati. Along with members of the artist group SIKAD, they promoted the rights of the urban poor to decent housing and social welfare services through their individual and collective pieces titled “Nasa Puso ang Sitio San Roque.” 

Sitio San Roque is a sprawling community of workers, vendors, and informal settlers in Quezon City a stone’s throw away from City Hall. For almost a decade, residents had been fighting attempts of business and commercial interests aided by the local government to have their homes demolished to make way for a condos, malls, and other business establishments.

Through line drawings on bond paper, Pong depicted the life and struggle of the residents both with skill and compassion.

Development aggression was also a theme Pong focused on – images of Lumad women and farmers amidst fallen trees, or mountain ranges and expanses of agricultural fading away or violently crumbling against a backdrop of bulldozers and giant earthmovers.   

As for his writing, his Facebook posts were often comprised of a few lines of pointed social commentary:

In April:

Buong mundo,

“nasyon,”

Sa PPE may kakulangan

Sa bala at bomba

Sobra-sobra

Earlier on March 12, a few days before the whole of the National Capital Region (NCR) and nearby provinces were put under lockdown:

Wala akong kinalaman dyan…

Nakita ko lang…

“Epidemics are more likely to grow in an authoritarian society.”

He criticized the government’s Build-Build-Build program and said that instead of promoting progress, it was “progreed” and was essentially all about “kill-kill-kill”.

And among his last posts was his condemnation of the extrajudicial killing of human rights workers and activists:

“Yung mga tumutugis sa mga naghasik ng lagim,

Pinagbibintangang naghahasik ng lagim,

Kontra-lagim, palpak.”

“Bili na kayo. Panglockdown lang po.”

Finally, Pong also shared and reposted the work of fellow artists and friends, generously endorsing them and their projects. He himself showed no indication of being interested in building a portfolio or having his own work out on display in galleries: he was happy  just creating art. Whenever he got paid, it was often in kind; in one memorable occasion, he exchanged original stencil patches he made for bananas, the saba variety. He drew portraits for friends and neighbors for practically nothing.

What is noticeable, however is that Pong seldom if ever, referred to his own suffering.  Apart from the occasional post written with self-deprecating humor wherein he asked followers to buy his paintings for P150 each (“pambili ng bigas”), Pong did not ask anyone for help, neither did he give a clue as to his own difficulties.   Because of the quarantine, he had means of earning, and without income, he could not feed or take care of himself properly as his health condition needed him to. Instead of posting updates on his own plight, he shared stories of other people needing funds for food or for medical needs.  Even then, during the early days of the pandemic, his health was already beginning to fail. 

A victim of the lockdown

Pong (right) with friend, Italo Ramos Lambito.

By early July when the quarantine lifted and travel became easier, a friend visited him in the second floor of a closed bar in Dasmarinas, Cavite where he had been allowed to stay by other friends when the Covid-19 lockdown started. They took one look at him and immediately launched an online appeal for financial support. Pong, they saw, severely dehydrated and looked emaciated and gaunt. They brought him water and other hydrating liquids. With the money that quickly came in from all over the country, they also got him groceries, vitamins, an electric fan, and an electric stove.  

Fellow Food Not Bombs member Italo Ramos Lambito was among the few who saw Pong in his final days.

“When I was finally able to see him when the quarantine restrictions eased up, he had really fallen ill. His arthritis had always been bad, but during the lockdown it worsened and his potassium levels crashed.  He had extreme difficulty walking, and he became dehydrated.”

“It was hard for us to take better care of him because of the pandemic health and safety restrictions. We took him to a total of five hospitals – but none of them admitted him. The doctors took one look at him and said ‘no’. In one case, the hospital said it would take him in, but he would have to be placed with PUI (persons under investigation for Covid-19) patients even though he didn’t have symptoms of Covid-19. We had no choice but to take him home,” he said.

Because of the travel restrictions – particularly strict in Cavite — it was impossible to have him taken to Manila or transferred to the house of his brother or to his mother’s house in Bagong Pangarap in Dasmarinas. Instead, Italo and other friends found an apartment for him in Cavite and shouldered the rent. They made arrangements among themselves on how they would take care of Pong.

Sadly, it was all too late.

A lotus flower on trash heap

In a recorded interview with an artist group, Pong himself explained the work he believed in as a member of Food Not Bombs and as activist artist.

“We’re all about taking positive action, organizing people, cooking food, and feeding those who don’t have it,” he said.

Twice a month, the group secured donations and cooked vegetable meals and held art workshops in communities all over Southern Tagalog. Many of those who went were children and out-of-school youth. Pong was as eloquent about the work he believed in as he was passionate.

“We want to show that there’s happiness in sharing and in working for peace, and nothing to be gained from the terror and horrors of war. It’s important to

Roman Soleño’s tribute portrait for Pong

spread the values of love and unity, mutual aid, and taking initiative to help others. Equality and social justice are important. We can protest against unjust wars by helping each other,” he said.

In another video, Pong explains why he does street art.

“When people see my work, they will remember that there are so many problems, but they will also realize that are also solutions. They are the ones who are affected by the problems, but they will also benefit from the solutions. This is why they need to be involved in what happens in society, in the lives of others We are all connected to one another,” he said.

It is this and other similar beliefs that earned Pong the respect of people – even those who had just met him.

One of Pong’s friends, Soik Keeh Phrenia, shared that in 2019, he worked with Pong painting a studio, and in that in that span of time, he learned so much from the latter – not only about art skills, but about compassion and friendship. Pong, he said, was an insightful person, and kind with his solicited advice.

“Para sa akin, siya ay isang lotus flower na nilagay sa isang tambakan ng basura:  kahit ganun ka-polluted ang siyudad, physically at spiritually, busilak pa rin ang puso’t kaluluwa ng kaibigan kong ito. Wala na si Pong, pero di siya mawawala sa puso ko, at sa mga puso ng mga taong nagmamahal sa kanya!”

(“He was like a lotus flower that grew on a garbage heap; despite the city being so polluted and corrupt, my friend remained pure at heart and in spirit. I am so grateful that I met someone like Pong. He’s gone, but he will always be in my heart and in the heart of the people who loved him”).

Italo said that hands down, Pong was a good person. “He always thought of others ahead of himself. He was the one who convinced us to activate the Food Not Bombs chapter here in Cavite. He was one of the pillars of the punk movement in Dasmarinas, and popularized graffiti and street art. Even when he was experiencing health issues, he still went with us to distribute food and fold workshops in communities,” he said.

“Sa buhay ko, nagpapasalamat ako na nakilala ko si Pong. Siya ang naging tatay, kuya, kapatid, guro namin dito. Siya nagbigay ng kulay sa eksena dito sa Cavite. He was a great friend,” Italo said.

Rest in Power, Gutson A. Heyres,  or as he was known and loved to all who knew him using his derived from Sanskrit name – Pong Para-atman Spongtanyo.  You were always true to yourself and others.

Kastilyong buhangin

$
0
0

Bigas na naging bato pa! Kahit laging sinasabi ni Pangulong Duterte na “walang pera” ang gobyerno para ayudahan ang mga apektado ng pandemya, nagagawa naman nitong magwaldas ng milyun-milyong pondo ng bayan para sa mga proyektong batbat ng kabulastugan at korupsyon.

mula sa Sat’s Ire Facebook page

Imbes na bumili ng gamit pangkalusugan at pagkain para sa mahihirap, naglustay si Duterte ng P389 Milyon para sa overpriced na Manila Bay White Sand project na hindi lang walang katuturan, mapanganib pa sa kalusugan at kalikasan.

Tinatambakan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 500-metrong kahabaan ng Roxas Boulevard ng dinurog na dolomite, batong minina mula sa nalalabing kabundukan ng Cebu, para pagmukaing white sand beach ang Baywalk.

Para saan? Katwiran ni DENR Undersec. Benny Antiporda, para raw ito ilapit sa mga kababayan nating hindi makapunta sa Boracay ang white sand. Aanhin ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho ang buhangin? Ang kailangan ng tao, ayuda, mass testing at malakas na sistemang pangkalusugan.

Depensa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, para raw ito sa mental health ng mga Pilipino. Andami nang pinoproblema ng mga Pilipino sa kapalpakan at pagpapabaya ng gobyerno, dadagdag pa ito? Ang kailangan ng tao, matalino, makatao, at makatarungang pamamalakad para mapanatag ang kaisipan sa panahon ng pandemya.

Walang anumang palusot ang makapagbibigay katuwiran sa paglustay ng napakalaking pondong pampubliko, lalo na sa gitna ng matinding krisis, para sa proyektong ito na nalantad pang overpriced. Sa pag-aaral ng mga eksperto, tatlong buwan lang ay aanurin lang din ang itatambak na buhangin.

Napag-alaman ding ang paglanghap ng dolomite ay maaaring magdulot ng sakit sa tao. Dahil din hindi natural sa Manila Bay, maaari pa itong magdulot ng pinsala sa kalikasan.

Sino ang makikinabang? Hindi ang mga nagugutom at nagkakasakit dahil sa kapabayaan ng gobyerno. Hindi ang daan-daang frontliners na namatay dahil sa kakulangan ng pondo. Hindi ang mga namatay sa Covid-19 dahil sa kakulangan ng ventilators at pasilidad pangkalusugan. Hindi ang milyun-milyong nawalan ng trabaho’t kabuhayan na pinagkakaitan ng ayuda. Lalong hindi ang mga Pilipinong magbabayad ng trilyones na utang ni Duterte na napupunta lang sa mga kinurakot, walang silbi at mapaminsalang proyekto gaya nito.

Katulad lang din proyektong ito ng iba pang naging tugon ni Duterte sa pandemya: wala sa hulog, walang pakinabang, batbat ng korupsiyon, dagdag-pasanin, at lalong naglalagay sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Lalo lang naging malinaw na wala sa prayoridad ni Duterte ang pagtitiyak sa kapakanan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya. Laging uunahin niyang atupagin ang pagtitiyak na bundat ang mga kroni niyang kontraktor at malalaking negosyante at mga kurakot niyang alipores sa gabinete. Ito lang kasi ang paraan para manatili silang nakasuporta sa rehimen niyang parang Manila Bay, mabaho, nakakalason, nakamamamtay.

Gaano man pagtakpan ang dumi at baho, ang rehimen ni Duterte ay katulad lang ng proyektong ito: artipisyal at nakasandig sa mahinang pundasyon ng korupsiyon at pasismo. Gaya ng panambak niyang “white sand”, di rin magtatagal ang palpak, pabaya, at pasistang paghahari niya. Ang kastilyo niyang buhangin ay madaling aanurin ng pagdaluyong ng naniningil na mga mamamayan.

Viewing all 37 articles
Browse latest View live


Latest Images